HansTools Philippines

HansTools Philippines

Ang kalidad, Katatagan, Kakayahang Umangkop at Pagpapanatili ang mga pangunahing panuntunan ng aming pabrika.

KalidadNagbibigay kami ng produktong dekalidad at garantisadong panghabangbuhay na mga tools na pang-teknikal para sa mga propesyonal. Ang Hans tools ay mayroong 40 taong karanasan sa pagmamanupaktura ng mga dalubhasang hand tools pati na rin ang mga kasangkapan na heavy duty.

KatataganMula noong 1973, ang pabrika ay naitatag upang magbigay ng isang matibay na mapagkukunan ng mai-export na mga propesyonal na produkto para sa merkado. Pakikipagtulungan at pamamahala ng negosyo kasama ang 120 naming kasosyo, mga ahente, dealer at ang pamamahagi sa 114 na bansa.

Kakayahang Umangkop –

Ang Hans ay nagbibigay ng pinakamalawak at pinakamahusay na gamit na mga tool na saklaw sa kalidad ng pandaigdigang antas.

Pagpapanatili-

Ito ang aming maipapangako!! Ang kalidad ay pinakamahalaga sa amin at ito ay dumaan sa ilalim ng mahigpit na quality control upang matiyak na matibay, solido at gawa ito sa pinakamahusay na pamamaraan upang mapanatili ang magandang kalidad ng aming mga produkto.

Kami ay gumgamit ng 5’s sa aming pamamahala. Ito ay ang Pagbukud-bukud, Set in Order, Pamantayan at Pagpapanatili. Lahat ng ito ay ang mga basehan ng aming pamamalakad sa kompanya.

 

Ang suporta sa sistema, software, serbisyo, at solusyon ay ang mga bagay na nakakatulong sa pagpapaunlad ng aming pamamahala.

 

Sa loob ng aming pabrika, nagkakaroon kami ng mga iba’t-ibang pagsasanay sa lahat ng mga manggagawa upang mag-level up at mabigyang halaga ang aming core.

 

Ang aming mga tools (sockets- wrenches-screwdrivers) ay maihahalintulad sa mga klasikal na instrumento ng musika (violins-pianos-trumpets). Ito man ay gawa sa Kanlurang Mundo at gawa sa magandang kalidad ganoon din ang aming mga produkto. Magkakatalo na lamang kung sa kung paanong pamamaraan ito ilalathala.

 

Ang “kultura” ay ang software na magdadala sa Hans Tools sa pangmalawakang pamamaraan. Ito ang nagsisilbing dugo ng buong korporasyon. Hangad namin ang pagdadala ng mas maraming iba’t ibang pagkakaiba-ibang mga bagay sa labanan.

 

 

Skstools Visit HansTools Taiwan

Nagsimula ang Hans Tools sa mga trade show at pinaka-makabuluhang eksibisyon sa Germany at Europa na kung saan nagkaroon kami ng harapang pakikipag-ugnayan sa mga tao. Sa mga nagdaang taon, halos binalak naming magkaroon ng 10 hanggang 15 na trade show, taunang paglalakbay sa buong mundo upang MAKINIG, MATUTO AT MAGTURO. Dapat naming pakinggan ang lahat ng mga tinig at tugon mula sa iba’t ibang nasyonalidad, magkakaibang kategorya, lahat ng namamahagi at mangangalakal upang tuloyan kaming mapabuti. Sa puntong ito, mas pinahahalagahan namin ang daan-daang mga dealer sa buong mundo kaysa makipagkumpitensya sa mga mura at mababang kalidad na mga produkto. Tiwala at Maaasahang relasyon ang pinakamahalaga sa aming kumpanya. 

Sa panahon ng Covid-19, lahat ay naging DIGITAL. Samantala kami ay nakikipagtulungan sa TAIWAN TRADE ASSOCIATION upang mailathala namin ang aming mga produkto sa pamamagitan ng Virtual reality show.

Nang ang SOCIAL DISTANCING ay naging isang seryosong paksa, ang paglabas upang mangalakal at mga paglalakbay sa iba’t-ibang bansa ay naging imposible.

 

Ang marketing sa internet ay naging tanyag upang harapin ang digital age. Ito din ang naging simula sa usaping 5G at kung papaano nito mapapalawak ang ekonomiya at industriya sa pamamagitan ng teknolohiya.

 

Parami nang parami ang ating mga natututunan at nalalaman lalo na’t kung paano kakayanin ng teknolohiya at ang mga pamamaraan ng pagpapapakita ang mga tools ng Hans araw-araw.

 

Nais naming matuklasan ang higit pa na mas maraming modelo ng negosyo upang mai-akma hindi lamang sa kasalukuyang mga customer kundi sa mga darating pa sa hinaharap.

 

Maliit lamang ang Taiwan. Ngunit ang industriya ng mga Hand Tools ay sapat na malakas upang gumawa ng malaking pagbabago.

 

Naniniwala kami na ang pagiging tunay, pagiging bukas, tapat, responsable at tamang suporta ay mga pangunahing elemento sa pagbuo ng matatag at pangmatagalang relasyon sa pakikipagsosyo.

 

At ito ay laging totoo sa aming pangkat, sa aming mga tauhan o sa aming mga kliyente. Kami ay palaging nakangiti, lumalaban at hindi sumusuko.

 

Tools for lifetime

SMILING at WORK !!!

HANS TOOLS